Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Martes, ika-25 ng Disyembre 2018, ng National Agency for Disaster Countermeasure ng Indonesya, umabot na sa 429 ang death toll sa naganap na tsunami sa Sunda Straits sa gawing kanluran ng bansang ito. Samantala, 1485 katao ang nasugatan, at 154 iba pa ang nawawala.
Ayon pa rin sa naturang ahensiya, priyoridad ang paghahanap ng mga nawawala at paghahatid sa bangkay ng mga biktima. Anito pa, ang mga heavy machinery, tubig-inumin, pagkain, tolda, at kumot ay kailangang kailangan sa mga apektadong lugar.
Salin: Liu Kai