Sinabi kahapon, Martes, ika-25 ng Disyembre 2018, sa Jakarta, ni Luhut Panjaitan, Coordinating Minister for Maritime Affairs ng Indonesya, na babalangkasin ng kanyang bansa ang isang kautusang pampanguluhang may pangmatagalang bisa, bilang mas epektibong pagharap sa mga likas na kalamidad na gaya ng tsunami.
Sinabi ni Pandjaitan, na ilalakip, bilang priyoridad, sa naturang kautusan ang hinggil sa pagpapabuti ng takbo ng tsunami pre-warning system. Ito aniya ay para igarantiya ang napapanahong pagpapabatid sa publiko ng paunang babala hinggil sa tsunami. Dagdag ni Pandjaitan, sa susunod na taon, iinstalahin sa iba't ibang lugar ng Indonesya ang mga bagong kagamitan ng paunang babala sa tsunami.
Salin: Liu Kai