Sinabi kahapon, Martes, ika-25 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Ma Zhengqi, Pangalawang Puno ng State Administration for Market Regulation ng Tsina, na ang isinasagawang reporma sa sistema ng negosyo ng Tsina ay nagpapabuti ng kapaligirang pang-negosyo ng bansa.
Ayon kay Ma, sa "Doing Business 2019" report na inilabas ng World Bank, ang Tsina ay nasa ika-46 na puwesto sa lahat ng 190 ekonomiya sa listahan. Ang nasabing ulat ay hinggil sa pangkalahatang kalagayan ng kapaligirang pang-negosyo. Ang posisyong ito ay mas mataas ng 32 puwesto kaysa noong isang taon. Sa listahan naman hinggil sa kaginhawahan ng pagbubukas ng negosyo, ang Tsina ay nasa ika-28, at mas mataas ito ng 65 puwesto kaysa noong isang taon.
Sinabi ni Ma, na ipinakikita nitong ang Tsina ay isa sa mga ekonomiya sa daigdig, na may pinakamalaking pagbuti sa kapaligirang pang-negosyo.
Salin: Liu Kai