Ipinahayag kahapon, Martes, ika-25 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may karapatan at kakayahan ang mga bansa at mamamayan ng Aprika na piliin ang kanilang mga katuwang. Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig, na lalo pang pakinggan ang tinig at igalang ang hangarin ng Aprika, sa pakikipagkooperasyon sa kanila.
Ayon sa ulat, sa isang mataas na pulong ng Unyong Europeo at Aprika na idinaos kamakailan sa Vienna, Austria, sinabi ni Pangulong Paul Kagame ng Rwanda, na maganda ang pagpapalagayan ng Aprika at Tsina. Aniya, aktibo ang Tsina sa Rwanda, at ang mga aksyon ng Tsina ay nasa angkop na paraan. Sinabi rin ni Kagame, na sa mga mungkahing iniharap ng panig Tsino, alam na alam ng Rwanda kung alin-alin ang matatanggap, para ang bansa ay hindi masadlak sa labis na malaking pautang. Ang karapatan sa paggawa ng desisyon ay nasa mga Aprikano, dagdag pa niya.
Salin: Liu Kai