Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-27 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa taong 2018, ibayo pang pinalakas ng kanyang bansa ang pandaigdig na kooperasyong militar, at isinagawa ng hukbong Tsino, kasama ng mga hukbo ng mahigit 30 bansa, ang halos 40 magkasanib na pagsasanay.
Ani Wu, ang naturang mga pagsasanay ay nasa iba't ibang antas, at sumaklaw sa kapwa mga tradisyonal at di-tradisyonal na larangang pangkatiwasayan. Mayroon ding mga regular na pagsasanay, dagdag niya.
Sinabi rin ni Wu, na sa pamamagitan ng naturang mga pagsasanay, hindi lamang napalalim ang pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng mga hukbo ng Tsina at ibang bansa, kundi napataas din ang lebel ng pagsasanay ng mga hukbo ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai