Sinabi kahapon, Huwebes, ika-27 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan na binabalangkas ng Tsina ay magbibigay ng mas matibay na garantiyang pambatas sa mga lehitimong karapatan ng mga dayuhang mamumuhunan at kompanyang pinatatakbo ng pondong dayuhan sa bansa.
Ani Gao, ang pangunahing layunin ng pagbalangkas ng naturang batas ay pagpapasulong at pangangalaga sa pamumuhunang dayuhan, at ibayo pang pagpapabuti ng kapaligiran ng Tsina para sa pamumuhunang dayuhan.
Sinabi rin ni Gao, na positibong makikipagkoordina ang Ministri ng Komersyo sa lehislatura, para ilabas sa lalong madaling panahon ang naturang batas.
Salin: Liu Kai