Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Disyembre 2018, sa Beijing, ang talakayan hinggil sa usaping may kinalaman sa pandaigdig na batas ng Tsina nitong 40 taong nakalipas.
Sa kanyang pagdalo sa talakayan, nilagom ni Yang Jiechi, Puno ng Tanggapan ng Sentral na Komite sa mga Suliraning Panlabas ng Partido Komunista ng Tsina, ang usaping may kinalaman sa pandaigdig na batas ng bansa, nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Ayon sa kanya, bilang miyembro ng komunidad ng daigdig, malawakang sumapi ang Tsina sa mga pandaigdig na kasunduan at mekanismo. Ginamit aniya ng Tsina ang pandaigdig na batas, para maayos na lutasin ang mga isyung iniwan ng kasaysayan at alitang pandaigdig. Positibo ring lumalahok ang Tsina sa pagtatakda ng mga tuntunin ng pandaigdig na pangangasiwa, bilang pagbibigay-ambag sa pangangalaga sa kapayapaan at pagpapasulong sa komong kaunlaran ng daigdig, aniya pa.
Salin: Liu Kai