Sabado ng umaga, Disyembre 29, 2018, niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Davao Oriental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang episentro ng lindo ay may lalim na 49 kilometro, sa layong 101 kilometro, timog silangan ng Pondaguitan.
Ayon pa sa Phivolcs, ang lindol ay dahil sa paggalaw ng tectonic plate. Hanggang sa ngayon, wala pang naiuulat na kapinsalaang dulot ng lindol. Mayroong posibilidad na maganap ang mga aftershock, ayon pa sa Phivolcs.
Salin: Li Feng