Nitong ilang araw na nakalipas, sinusubaybayan ang talumpating pambagong taon na binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng opinyong pampubliko at mga personahe ng ibat-ibang sektor ng HKSAR. Ipinahayag nilang nitong ilang taong nakalipas, humihigpit ang pagpapalitan sa pagitan ng HKSAR at mainland ng Inang Bayan.
Noong 2018, isinagawa ng pamahalaang sentral ang mga hakbang para bigyang suporta ang HK sa larangan ng pagpapasulong sa kabuhayan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa taong 2019, patuloy anilang magsisikap ang mga taga-HongKong para aktibong makisangkot sa reporma at pagbubukas sa labas ng Inang Bayan, at magbigay-suporta sa administrasyon ng pamahalaan ng HKSAR para maisakatuparan ang mas malaking pag-unlad ng HK at magbigay-ambag sa pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Samantala, ang talumpating pambagong taon ng Pangulong Tsino ay inilathala ng mga pahayagan ng MacaoSAR. Ipinahayag nilang sa taong 2019, ipapatupad ng Macao ang mga pambansang estratehiyang pangkaunlaran at aktibong lalahok sa ibat-ibang larangang ibayo pang magpapasulong sa pambansang konstruksyon, reporma at pagbubukas sa labas.