Sa pagtataguyod ng Thai-Chinese Journalists Association, natapos Enero 13, 2019, ang ika-2 Motorcade ng Pagkakaibigan ng Thailand at Tsina sa Lalawigang Lop Buri ng Thailand. Layon nitong palalimin ang pagpapalitan ng mga media ng dalawang bansa at palawakin ang kooperasyong panturista.
Kalahok sa nasabing aktibidad ang mga media ng Tsina na kinabibilangan ng China Media Group, People's Daily, Xinhua News Agency, at mga media ng Thailand na kinabibilangan ng Thai Rath, Daily News, Thansettakij, Manager Media Group, at Bangkok Today.
Ang motorcade ay dumaan ng Bangkok, Pathum Thani, Saraburi, at Lop Buri ng Thailand.
Salin:Lele