Idinaos mula ika-15 hanggang ika-16 ng Enero ng 2019 ang Central Political and Legal Work Conference sa Beijing.
Sa kanyang talumapti, Tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat palakasin ng mga departamento ang pagpapatupad ng batas sa mga mahalagang larangang may kinalaman sa aktuwal na interes ng mga mamamayan, pataasin ang bisa ng pamamahalang panlipunan; pabutihin ang sistema ng serbisyo ng sikolohiyang panlipunan; pabilisin ang konstruksyon ng sistema ng pag-iwas at pagkontrol sa mga isyung panlipunan; pataasin ang kalidad, episyensiya at accountability ng katarungan; iwasan ang di-pagkakapantay sa pagpapatupad ng batas at katarungan; at palalimin ang reporma ng sistema.