Idinaos Enero 17, 2019 sa Ha Long, Lalawigang Quang Ninh ng Biyetnam ang Ika-22 Pulong ng mga Ministrong Panturista ng ASEAN. Kalahok ang mga puno ng departamento ng turismo at kinatawan sa industriyang panturista ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag ni Nguyen Ngoc Thien, Ministro ng Kultura, Palakasan at Turismo ng Biyetnam na dapat pahigpitin ng mga departamento ng mga bansang ASEAN ang kanilang kooperasyon para mapataas ang kalidad ng serbisyo ng turismo, at lumikha ng ginhawa para sa mga turista.
Ang pulong na ito ay isa sa mga aktibidad ng ASEAN Tourism Forum sa 2019.
Salin:Lele