Bilang tugon sa walang katuwirang batikos ni Michael Pence, Pangalawang Pangulo ng Amerika sa Globel Chiefs of Mission Conference, ipinahayag, Enero 17, 2019, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang tumpak na pakikitunguhan ng Amerika ang pag-unlad ng Tsina at relasyon ng Tsina at Amerika. Dagdag ni Hua, inasahan din ng Tsina na ititigil ng Amerika ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa at pakakapinsala sa interes ng Tsina.
Aniya, dapat magsikap ang Amerika at Tsina para pangalagaan ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin:Lele