|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag noong ika-21 ng Enero ni Robert Palladino, Pangalawang Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, nakipag-usap sa telepono si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, kina Taro Kono, Ministro ng Uganayang Panlabas ng Hapon at Kyung-wha Kang, Ministro ng Uganayang Panlabas ng Timog Korea upang talakayin ang isyu ng Hilagang Korea.
Sinabi ni Palladino na tinalakay nina Pompeo at Kono ang susunod na balak hinggil sa pag-uusap ng Amerika at Hilagang Korea. Sa tawag sa pagitan nina Pompeo at Kang, ipinaalam ng magkabilang panig ang kalagayan ng kani-kanilang ugnayan sa Hilagang Korea.
Nakipagkita si Donald Trump, Pangulo ng Estados Unidos, noong ika-18 ng Enero kay Kim Yeong-cheol, Bise-Presidente ng Sentral na Komite ng Workers' Party of Korea. Pagkatapos, ipinahayag ng White House na idaraos ang pangalawang pagtatagpo sa pagitan ng mga pangulo ng Estados Unidos at Hilagang Korea sa huling dako ng Pebrero.
Salin:Wendy
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |