Idinaos ang news briefing kahapon, Enero 24, 2019, hinggil sa serye ng mga aktibidad ng "Masayang Bagong Taon ng Tsina" sa Pambansang Tanggapan kaugnay ng Turismo ng Thailand. Kalahok sa news briefing sina Yuthasak-Supasorn, Puno ng National Tourism Administration ng Thailand, Chang Yumeng, Counsellor ng Kultura ng Embahada ng Tsina sa Thailand at mga kinatawan mula sa 13 grupo ng mga Tsino, komite ng nagpaplano ng mga aktibidad ng Spring Festival sa Bangkok, at mga media ng Tsina at Thailand.
Ang aktibidad ay tatagal mula ika-24 ng Enero hanggang ika-18 ng Pebrero.
Salin:Lele