Sa kanyang talumpati na binigkas kahapon sa plenaryo ng Diet, nanawagan si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na sa harap ng mga hamong kinabibilangan ng aging population at iba pa, dapat magsikap ang Hapon para lumikha ng bagong era. Umaasa rin siyang pasusulungin ang relasyong Hapones-Sino sa isang bagong lebel.
Sinabi ni Shinzo Abe na umaasa siyang patuloy na pahihigpitin ang pagpapalitan ng mga lider ng Tsina at Hapon, palalalimin ang pag-unlad at pagpapalitan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at pasusulungin ang relasyon ng dalawang bansa na tataas sa ibang bagong yugto.
Salin:Sarah