Idinaos Enero 30, 2019 sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya ang "Taon ng Kultura at Turismo ng Tsina at Kambodya." Dumalo at nagtalumpati sina Li Keqiang, Premyer ng Tsina at Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya.
Sinabi ni Li na kapuwa may mahabang kasaysayan, maningning na kultura, at magandang tanawin ang dalawang bansa. Umaasa aniyang gagamitin ang taon ng turismo para mapalakas ang pagpapalitan ng kultura at mga tauhan, at ilagay ang matibay na pundasyon para sa pagtatatag ng community with a shared future ng Tsina at Kambodya.
Ipinahayag ni Hun Sen na ang pagbubukas ng taon ng turismo ng Kambodya at Tsina ay mahalaga para sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), pagsasakatuparan ng win-win situation at pagpapasulong ng turismo.
Salin:Lele