Tatlong artikulo ang ipinalabas kamakailan ang People's Daily opisyal na pahayagan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa nakatakdang pagdaraos ng China Media Group (CMG) Spring Festival Gala sa 2019.
Ayon sa isang artikulo, paparating ang unang Spring Festival Gala, sapul nang isilang ang CMG, at ang tema nito ay "Pagsulong sa Bagong Panahon, Masayang Pagpapalipas ng Pestibal ng Tagsibol." Ilalabas ang nasabing taunang palabas sa bisperas ng bagong taon ng Tsina, at ito ay magkakaloob ng kahanga-hangang pagtatanghal para sa mga Tsino sa buong daigdig, dagdag pa ng isang artikulo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, naisakatuparan ang komunikasyong multimedia sa idaraos na CMG Spring Festival Gala sa 2019. Gagamitin din ang teknolohiya ng 5th generation mobile network sa pagsasahimpapawid at paghahatid ng programa.
Salin:Lele