|
||||||||
|
||
Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan ng nasyong Tsino, isang resepsyon ang idinaos ng pamahalaang Tsino nitong Linggo, Enero 3, sa Great Hall of the People sa Beijing.
Sa kanyang talumpati sa resepsyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa iba't ibang grupong etniko, kababayan mula sa Hong Kong, Macao at Taiwan, at mga overseas Chinese.
Saad ni Xi, "Noong nakaraang taon, marami tayong sinikap at marami rin tayong natamo."
Kaugnay ng pambansang kaunlaran sa taong 2019, diin ni Xi, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang de kalidad na pag-unlad para walang humpay na mapabuti ang pamumuhay ng sambayanang Tsino.
Dagdag pa ni Xi, pumapasok na ang Tsina sa lipunang tumatanda, kaya, kailangang magsagawa ang bansa ng lahat ng magagawa para mapaginhawa ang pamumuhay ng mga matanda.
Ipinahayag ni Xi ang pagbati sa ngalan ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina at Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Nanunungkulan din si Xi bilang pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |