Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Liaoning, buong-sikap na nagpapasigla ng real economy

(GMT+08:00) 2019-02-13 13:05:54       CRI

Nitong Lunes, Pebrero 11, unang araw ng trabaho pagkatapos ng pitong araw na bakasyon ng Spring Festival o Chinese New Year, isang pulong ang idinaos ng pamahalaang probinsyal ng Liaoning hinggil sa ibayo pang pagpapasigla ng real economy para mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan ng lokalidad.

Ang Liaoning, probinsya sa dakong hilagang-silangan ng Tsina ay dating baseng industriyal ng Tsina na nagtatampok sa real economy. Upang mapasigla ang dating baseng industriyal, sa kanyang paglahok sa diskusyon ng mga delegado ng Liaoning sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, punong lehislatura ng Tsina noong Marso, 2017, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pasulungin ang repormang pang-estruktura sa supply-side, palalimin ang reporma ng mga bahay-kalakal na ari ng estado at pataasin ang kakayahan ng mga tagapangasiwa ng mga bahay-kalakal.

Sinabi ni Xu Qiang, Direktor sa Seguridad na Panteknolohiya at Pangangalaga sa Kapaligiran ng Shenyang Blower Works Group Corporation, isa sa mga bahay-kalakal na ari ng estado na nakabase sa Liaoning, na nitong dalawang taong nakalipas, upang ipatupad ang kahilingan ni Pangulong Xi, inilunsad ng probinsya ang mga hakbangin at patakaran para pataasin ang kakayahan ng mga manggagawa at mapasulong ang inobasyon.

Si Xu Qiang

Sinabi naman ni Yi Hongli, Pangalawang Direktor sa Pangangasiwang Pansiyensiya't Panteknolohiya ng naturang korporasyon, na bunga ng mga patakaran at laang-gugulin sa inobasyon, nakaalpas ang kompanya sa pagkalugi, sa pamamagitan ng paggawa ng mga high-end na kasangkapan.

Si Yi Hongli

Ang Northeast Pharmaceutical Group Co., Ltd. ay isang kompanyang ari ng estado na may mahigit 70 taong kasaysayan. Noong unang tatlong kuwarter ng taong 2018, lumampas sa 5.6 bilyong yuan RMB ang kita ng kompanya na mas mataas ng 34% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Baligtad ito sa matagal na pagkalugi ng kompanya.

Paliwanag ni Wei Haijun, Presidente ng nasabing kompanya, ang pag-unlad ay bunga ng reporma sa shareholding ng kompanya, kung saan pinasok ang puhunang pribado at puhunan ng mga manggagawa.

Si Wei Haijun

Para naman sa buong Liaoning, noong 2018, umabot sa 2.53 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng lalawigan, na mas mataas ng 5.7% kumpara sa taong 2017.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>