Sinabi Miyerkules, Pebrero 13, 2019, ni Elliott Abrams, espesyal na kinatawang Amerikano sa suliranin ng Venezuela, na sa kasalukuyan, wala pang intensyon ang kanyang bansa na magsagawa ng aksyong militar sa Venezuela.
Ani Abrams, ang paggamit ng dahas ay hindi patakaran ng Amerika. Hahanapin aniya ng panig Amerikano ang makatao, ekonomiko, at diplomatikong paraan sa paghawak sa mga suliraning may kinalaman sa Venezuela. Ngunit, taglay pa rin aniya ng Amerika ang lahat ng opsyon sa Venezuela.
Salin: Li Feng