Ipinahayag Miyerkules, Pebrero 13, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang kinakatigan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para mapasulong ng iba't ibang paksyon ng Venezuela ang kalutasang pulitikal, sa pamamagitan ng diyalogo sa loob ng balangkas ng konstitusyon. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magpatingkad ng konstruktibong papel para sa mapayapang pagresolba sa isyu ng Venezuela.
Ayon sa ulat kamakailan ng pahayagang Wall Street Journal ng Amerika, nitong nakalipas na 2 linggo, nakikipag-ugnayan di-umano ang diplomatang Tsino sa paksyong oposisyon ng Venezuela. Tinalakayrin di-umano ng kapuwa panig ang hinggil sa proyekto ng langis ng Tsina sa Venezuela, 20 bilyong dolyares na u-utangin ng Venezuela sa Tsina, at plano ng pagbabayad sa utang.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na huwad na impormasyon ito. Umaasa aniya siyang magiging obdiyektibo't makatarungan ang pagkokober ng kaukulang media. Dagdag niya, kaugnay ng isyu ng Venezuela, naninindigan ang panig Tsino sa paghahanap ng kalutasang pulitikal, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Vera