Lalawigang Phitsanulok, kahilagaan ng Thailand—Sinimulan dito Martes, Pebrero 12, 2019 ang Cobra Gold 2019, magkasanib na pagsasanay militar na itinataguyod ng Thailand at Estados Unidos. Tatagal hanggang Pebrero 23, dalawanpu't siyam (29) na bansa ang kalahok o tagamasid sa naturang pagsasanay.
Kabilang sa mga aktibidad ng nasabing pagsasanay militar ay pagsasanay sa operational commanding, actual combat training, at humanitarian relief. Lumalahok sa mga pangunahing proyekto ng pagsasanay ang Thailand, Amerika, Singapore, Hapon, Indonesia, Malaysia at Timog Korea. Sasali sa humanitarian relief training ang Tsina at India. Tagamasid naman ang ibang mga bansa.
Ang Cobra Gold ay isa sa mga pinakamalawakang pagsasanay militar sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Vera