Ipinahayag ni Lunes, Pebrero 18, 2019, Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na ang taong ito ay mahalagang pagkakataon para sa ibayo pang pagpapabuti ng relasyon ng Tsina at Hapon, kapuwa pasusulungin ng dalawang panig ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, kinatagpo ni Li ang delegasyon ng Mataas na Kapulungan ng Hapon na dumadalaw sa Tsina para lumahok sa ika-8 na pulong ng mekanismo ng regular na pagpapalitan ng mga parliamento ng Tsina at Hapon. Aniya, ang Tsina at Hapon ay magkapitbansa, ang pagkakaibigan ay hindi lamang nagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan, kundi nagbibigay ng ambag sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag ni Satoshi Ninoyu, Puno ng Delegasyon ng Mataas na Kapulungan ng Hapon na nakahandang silang pahigpitin ang pagpapalitan sa Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina para mapalalim ang pag-uunawaan sa isa't isa.
Salin:Lele