Sapul noong huling hati ng nagdaang taon, sa harap ng iba't-ibang di-tiyak na elementong gaya ng presyur sa paglaki ng kabuhayang Tsino, at isyung pangkalakalan ng Tsina at Amerika, walang tigil na lumulutang ang mga paninirang-puri sa RMB sa international capital market. Ngunit bilang isang malaking bansang pinansyal, pinahahalagahan ng Britanya ang hinaharap ng RMB. Ayon sa website ng "Financial Times," noong katapusan ng nagdaang taon, nalampasan na ng trade volume ng RMB at Pound ang trade volume ng Pound at Euro. Ayon sa datos ng Bank of England, noong Oktubre ng nagdaang taon, umabot sa 73 bilyong dolyares ang halagang pangkalakalan ng RMB sa bawat araw. Ito ay nagpapakita ng matatag na katayuan ng Britanya bilang malaking RMB trading center sa buong mundo sa labas ng Tsina.
Noong 2012, inilunsad ng London Financial City ang plano ng pagpapaunlad ng Offshore FOREX Trading Center ng London. Sa prosesong ito, sa pamamagitan ng pangmalayuan at estratehikong pananaw at desisyon, inaungusan na ng Britanya ang Singapore, unang RMB Offshore FOREX Trading Center, at nalampasan na rin nito ang Frankfurt, Alemanya, unang ganitong sentro sa Euro Zone. Ang Britanya ang siya na ngayong pinakamalaking RMB Offshore FOREX Trading Center sa buong mundo.
Bamaga't nitong isang taong nakalipas, palagian ang paninirang-puri ng mga dayuhang bansa sa kabuhayang Tsino, matatag na napabilis ang proseso ng pagiging internasyonal ng RMB. Ayon sa datos na isinapubliko ng Bangko Sentral ng Tsina, umabot sa 5.11 trilyong RMB ang cross-border RMB settlement business noong 2018. Bukod dito, nilagdaan na ng Tsina at ilang bansa ang Currency Reciprocal Agreement. Nakalakip na rin ang RMB sa foreign exchange reserve ng mahigit 60 bansa't rehiyon, at ginagamit na rin ang RMB ng parami nang paraming bansa at kompanyang transnasyonal bilang settlement at paying ways.
Salin: Li Feng