Ipinalabas Pebrero 18, 2019, ang Outline Development Plan para sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, na nagpapakita ng disenyo at roadmap ng konstruksyon ng pandaigdig na bay area at grupo ng mga lunsod sa mataas na antas sa buong daigdig. Ang Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area ay may katangi-tanging kondisyon, at ito ay magiging bagong palatandaan ng pag-unlad ng Tsina na may mataas na kalidad.
Noong Hulyo ng 2017, sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa Inangbayan, sinaksihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paglagda sa Framework ng Pagpapalalim ng Kooperasyon ng Guangdong, Hong Kong at Macao at Pagpapasulong ng Konstruksyon ng Greater Bay Area. Ito ay sumagisag sa pagsisimula ng pagtatatag ng Greater Bay Area.
May saklaw na 560 libong kilometro kuwadrado, ang kabuuang halaga ng kabuhayan ng Greater Bay Area ay umabot sa 10 trilyong yuan RMB hanggang sa katapusan ng 2017. Ang saklaw ay bumubuo sa 0.6% ng teritoryo, pero, ang ambag ng kabuhayan nito ay bumubuo sa mahigit 12% ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina. Ang Greater Bay Area ay isa sa mga pinakabukas at pinakamasiglang rehiyon ng bansa.
Kumpara sa tatlong mahusay na bay area ng daigdig, na New York Bay Area, San Francisco Bay Area at Tokyo Bay Area, ang Guangdong-Hong Kong-Macao Bay Area ay bago, at may katangi-tanging bentahe. Ayon sa Ulat ng Impluwensiya ng Apat na Bay Area ng Daigdig (2018) na ipinalabas ng Chinese Academy of Social Science, ang kabuuang impluwensiya ng Guangdong-Hong Kong-Macao Bay Area ay nasa ika-3 puwesto, at ang impluwensiya ng kabuhayan ay nasa unang puwesto. Samantala, ang bahagdan ng paglaki nito ay mahigit dalawang beses kumpara sa tatlong bay area.
Iniharap ng Outline Development Plan for the Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area ang 6 na saligang tuntunin: pagmamaneho ng inobasyon, komprehensibong pagpapaunlad, pangangalaga ng biolohiya, bukas na kooperasyon para sa win-win situation, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Sa background ng pagdami ng mga elemento ng kawalang-katatagan ng kabuhayang pandaigdig, at umaahon na proteksyonismo sa kalakalan, ang pagsisimula ng konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area ng Tsina ay tiyak na magpapasigla sa bagong tagapagpasulong na puwersa para sa bansa at daigdig.
Salin:Lele