Magkakasamang idinaos noong ika-25 ng buwang ito ng Ministri ng Agrikultura ng Thailand, probinsya ng Chanthaburi, Thailand, at Shenzhen Zhongxing Enviromental Protection Group Co.Ltd, at Burapha University ang Pulong Pampromosyon ng Convenient Fruit and Vegetable Refrigeration Equipment. Ito'y upang palawakin ang panahon ng pagpe-preserba sa mga gulay at prutas sa pamamagitan ng paggamit ng modernong teknolohiya, pagbabawas sa paggamit ng preservative, at pagdaragdag ng pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Thailand.
Ang Convenient Fruit and Vegetable Refrigeration Equipment ay magkasamang sinaliksik ng Shenzhen Zhongxing Enviromental Protection Group Co. Ltd at probinsya ng Chanthaburi. Pagkaraang ng isang taong pananaliksik, matagumpay na napalawak ang sheflife ng longan mula 5-7 araw sa mahigit 20 araw, at walang ginamit na anumang medikal na preservative.
Salin:Sarah