Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Qinghai, buong-sikap na pinapabuti ang kapaligirang ekolohikal at pinapahupa ang karalitaan

(GMT+08:00) 2019-02-28 17:58:37       CRI

Ang lalawigang Qinghai na matatagpuan sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina ay pinanggagalingan ng tatlong pangunahing ilog ng bansa, na kinabibilangan ng Ilog Yangtze, Dilaw na Ilog o Huanghe at Ilog Lancang. Noong 2016, inilunsad ng Qinghai ang espesyal na estratehiya at mga proyekto para maprotektahan ang kapaligirang ekolohikal ng lalawigan na mayaman sa bundok, katubigan, kagubatan, bukirin, at damuhan. Bunga nito, sa kasalukuyan, umabot na sa 70% ang kabuuang saklaw ng katubigan, wetland, kagubatan, at damuhan ng lalawigan.

Ito rin ay bilang pagpapatupad sa kahilingan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa kanyang pakikipagtalastasan sa mga kinatawan ng delegasyon ng Qinghai sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, punong lehislatura ng Tsina, noong 2016.

Hiniling din ni Xi sa Qinghai na magsikap para maisakatuparan ang pambansang plano ng pag-alpas sa karalitaan ng lahat ng mahihirap na mamamayang Tsino sa taong 2020.

Salamat sa iba't ibang hakbangin at ayuda, noong 2018, bumaba hanggang sa 2.5% ang poverty incidence ng Qinghai mula sa 13.2% noong 2015.

Makikita sa larawan ang pag-instala ng mga taga-nayon ng Dashijia, Guide County ng Qinghai ang boiler na mangangalaga sa kapaligiran para sa pabrika ng nayon. Nitong ilang taong nakalipas, sa pamamagitan ng pagbubukas ng pabrika at pagpapasulong ng turismo, bumubuti ang pamumuhay ng mga taga-nayon ng Dashijia.

Nitong tatlong taong nakalipas, mahigit 443,000 mahihirap na mamamayan sa Qinghai ang naiahon sa karalitaan. Balak ng pamahalaan ng Qinghai n

a sa taong 2019, ang lahat ng natitirang 17 mahihirap na county ay makaalpas sa karalitaan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>