|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Paris kay Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, ipinahayag ni Bruno Le Maire, Ministro ng Pananalapi ng Pransya, na dapat iwasan ang trade war dahil tiyak na magdudulot ito ng kawalan sa iba't ibang panig.
Ipinahayag rin ni Bruno Le Maire na bilang tagapangulong bansa ng G7, nagsisikap ang Pransya para mapangalagaan ang multilateralismo.
Nagpalitan rin ang naturang dalawang opisyal ng palagay hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng pagkolekta ng buwis sa mga "Internet giants", kooperasyong pangkabuhayan ng Pransya at Amerika at iba pa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |