Natapos Pebrero 28, 2019, ang pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika sa Hanoi, Biyetnam. Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na umaasa ang Tsina na patatatagin ng Hilagang Korea at Amerika ang kompiyansa, pananatilihin ang pasensiya, ipagpapatuloy ang diyalogo, at walang tigil na gagawain ang pagsisikap tungo sa itinakdang target. Nakahanda rin ang Tsina na gumanap ng konstruktibong papel para rito, dagdag niya.
Ipinahayag ito Pebrero 28 ni Wang sa kaniyang pakikipagtagpo kay Ri Kil-Song, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hilagang Korea. Dumating nang araw ring iyon si Ri sa Beijing.
Ipinahayag ni Wang na pumasok na ang talastasan sa deepwater zone, kaya, hindi mai-iwasan ang iba't ibang uri ng kahirapan, pero, maliwanag na ang target ng paglutas ng isyu ng Korean Peninsula sa pamamagitan ng talastasan.
salin:Lele