Sa Government Work Report na ginawa ngayong araw, Martes, ika-5 ng Marso 2019, sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong ito, patuloy na pasusulungin ng pamahalaan ang pagpigil sa polusyon sa hangin, tubig, at lupain, kakatigan ang pag-unlad ng industriya ng pangangalaga sa kapaligiran, at palalakasin ang restorasyon ng sistemang ekolohikal. Ito aniya ay para idulot sa mga mamamayan ang magandang kapaligirang mabuti sa paninirahan.
Salin: Liu Kai