Sa Government Work Report na ginawa ngayong araw, Martes, ika-5 ng Marso 2019, sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong ito, palalakasin ng kanyang bansa ang pandaigdig na kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), at pasusulungin ang pagtamo ng bunga ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation.
Sinabi rin ni Li, na buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang globalisasyong pangkabuhayan at malayang kalakalan, at aktibong lalahok sa reporma sa World Trade Organization. Pasusulungin aniya ng bansa ang mga talastasan para sa Regional Comprehensive Economic Partnership, Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, at Kasunduan sa Pamumuhunan ng Tsina at Europa, at ang pakikipagsanggunian din sa Amerika hinggil sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan. Pinaninindigan din ng Tsina ang paglutas sa hidwaang pangkalakalan sa pamamagitan ng pantay-pantay na pagsasanggunian, dagdag pa ni Li.
Salin: Liu Kai