Ipinahayag Marso 7, 2019, ni Liu Kun, Ministro ng Pinansyo ng Tsina na positibo at maayos ang tinatayang budget deficit sa taong ito.
Ayon sa Government Work Report na iniharap sa Taunang Sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, 2.8% ang itinakdang budget deficit sa taong ito, at ito ay mas malaki ng 0.2% kumpara sa ito ng taong nakalipas. Isinalaysay ni Liu na ang layunin ng pagpapataas ng budget deficit ay para mapasulong ang matatag, malusog at mabilis na pag-unlad, at angkop sa pangangailangan ng pagbabawas ng buwis sa mga bahay-kalakal at pagpapasigla ng pamilihan.