|
||||||||
|
||
20190307XiGansu
|
Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi lulubayan ng bansa ang pagpapahupa sa karalitaan hangga't hindi naisakatuparan ang layunin ng pagpawi ng kahirapan sa taong 2020.
Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipagtalakayan nitong Huwebes, Marso 7, sa mga deputado mula sa lalawigang Gansu sa dakong hilaga-kanluran ng bansa sa idinaraos na ikalawang taunang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Ipinagdiinan din ni Xi ang pagiging kritikal ng taong ito at ng susunod na taon para maisakatuparan ang nasabing target. Hinimok niya ang pagpupursige ng iba't ibang panig para matiyak na bawat mamamayang Tsino ay may sapat na pagkain at kasuotan, edukasyong kompulsaryo, saligang serbisyong medikal at ligtas na panirahan.
Dagdag niya, ang mga resulta ng pagpawi ng karalitaan ay dapat kayanin ang pagsubok ng panahon.
Ang pananalita ni Xi ay tumimo sa puso ni Tang Xiaoming, isa sa mga deputado sa diskusyon mula sa Dingxi, isa sa mga pinakamahirap na lugar ng lalawigang Gansu. Ani Tang, ang pananalita ni Xi ay nagpapakitang hindi mapapahintulutan ng pamahalaang sentral ng Tsina ang pekeng tagumpay sa pakikibaka laban sa kahirapan, at ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ay dapat maiwasan ito.
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |