Ipinahayag ngayong araw, Martes, ika-12 ng Marso 2019, sa Beijing, ni Ning Jizhe, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na matatag ang takbo ng kabuhayan ng bansa noong Enero at Pebrero ng taong ito.
Winika ito ni Ning sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa sidelines ng ginaganap na sesyong lehislatibo ng Tsina. Sinabi niyang, masusing kinalap ang ilang estadistika ng kabuhayan na gaya ng mga halaga ng produksyon sa agrikultura, industriya, at sektor ng serbisyo, halaga ng kalakalang panlabas, bolyum ng foreign exchange reserve, Purchasing Managers' Index, Consumer Confidence Index, at iba pa; at mabuti ang lahat ng mga estadistikang ito. Mula sa mga ito, nakikita rin ang magandang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, dagdag pa niya.
Salin: Liu Kai