Inilagay ang plataporma ng multimedia na gumagamit ng teknolohiya ng 5G at 4K ng China Media Group sa Great Hall of the People, main venue ng mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at ang malaking screen ng plataporma ay umaakit ng pansin ng mga kinatawan ng NPC at kagawad ng CPPCC.
Sa screen ng nasabing plataporma, mapapanood ang mga programa ng 4K ultra high definition video na inihahatid sa pamamagitan ng 5G network.
Salin:Lele