|
||||||||
|
||
Kumpara sa tatlong mahusay na bay area ng daigdig, na New York Bay Area, San Francisco Bay Area at Tokyo Bay Area, itinuturing ang outlook ng Guangdong-Hong Kong-Macao Bay Area bilang bagong model ng pagpapasulong ng pamahalaang Tsino ng bukas na ekonomya, at walang katulad sa daigdig. kaya, dapat maisakatuparan ang pag-unlad na may mataas na lebel at kalidad, at samantala, likhain ang bagong mekanismong may katangiang Tsino sa ekolohiya ng kaunlaran ng "Isang bansa, Dalawang sistemang panlipunan, tatlong tariff zones, tatlong uri ng salapi, at tatlong sistemang pambatas." Ang susi nito ay inobasyon ng sistema.
Ayon sa plano, gagawing priyoridad ng pagtatatag ng Greater Bay Area ang pagpapasulong ng disenyo ng sistema ng mga plano at patakaran, pagpapahigpit ng pag-uugnay ng mga regulasyon, at maginhawang materyal at pagpapalitan ng mga tauhan.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang inobasyong pinansyal ay may pag-asang magiging puno ng mga inobasyong pansistema sa konstruksyon ng Greater Bay Area. Ang Hong Kong ay ika-2 pinakamalaking pamilihan ng foreign exchange ng Asya at ika-4 na pinakamalaking pamilihan ng foreign exchange ng daigdig, at pinakamalaking offshore center ng pagpapalitan ng RMB sa daigdig. Patitingkarin ng Greater Bay Area ang bentaheng ito para magkaloob ng pondo sa upgrade ng manufactoring at inobasyon ng siyensiya't teknolohiya.
Napag-alamang, isasagawa ng pamahalaang Guangdong ang 40 reporma para mapabuti ang kapaligiran ng negosyo at mapasulong ang inobasyong pinansyal. Tinatayang ang konstruksyon ng Greater Bay Area ay magiging kompetisyon ng inobasyong may pagdaigdigang katuturan sa pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon, at magiging isang bintanang nagpapakitang kung paanong magbigay ang pamahalaang Tsino ng patnubay sa pag-unlad na may mataas na kalidad sa pamamagitan ng pagpapasulong ng inobasyon.
Salin:Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |