|
||||||||
|
||
Ito ay bilang tugon sa pagpapalabas kahapon ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ng 2018 Country Reports on Human Rights Practices.
Nakalakip sa naturang dokumento ang kalagayan ng paglapastangan sa karapatang pantao sa Amerika sa mga aspektong gaya ng paglapastangan sa mga karapatang sibil, money politics, paglaki ng agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman, pagtatangi sa lahi, kaligtasan ng mga bata, pagtatangi sa kasarian, paglapastangan sa mga karapatan ng mga mandarayuhan, at pagsasagawa ng unilateralismo.
Sinabi rin ng dokumento, na sa mula't mula pa'y nagsasalita ang pamahalaang Amerikano ng kung anu-ano sa kalagayan ng karapatang pantao ng ibang bansa, pero sa katotohanan, nagkakaroon ito ng mga grabeng problema sa karapatang pantao, at hindi dapat magbulag-bulagan sa mga ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |