|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin kamakailan ng mga mediang Tsino hinggil sa ilang mahalagang isyu ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino o CPPCC, ipinahayag ni Dr. Wissanu Krea-ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na binibigyang pansin ng pamahalaan ng Thailand ang NPC at CPPCC ng Tsina bawat taon, at mas malaking pansin ang nakatuon sa mga aktuwal na aksyon na isinagawa ng pamahalaan. Ipinahayag niya na ang aktuwal na aksyon pagkatapos ng NPC at CPPCC ay magdudulot ng pagbabago sa pag-unlad ng bansa at epekto sa buong daigdig, at ito ay mas mahalaga.
Ang Draft Foreign Investment Law ay isa sa mga mainit na topic ng NPC at CPPCC sa taong ito. Hinggil dito, ipinahayag ni Dr. Wissanu Krea-ngam na sa kasalukuyan, mabilis ang paglaki ng pamumuhunan ng Tsina sa Thailand, ang pagtatakda ng mga kinauukulang batas ng Tsina ay mapupulot na karanasan para sa Thailand.
Bukod dito, pinapurihan ni Dr. Wissanu Krea-ngam ang napakalaking pagsisikap ng Tsina sa pagpapawi ng kahirapan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |