Idaraos sa darating na Mayo ng taong ito sa Beijing ang Asia Civilization Dialogue Conference.
Ayon sa lupong tagapag-organisa ng naturang pulong, gaganapin ang aktibidad na ito batay sa ideya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pag-aaral sa isa't isa ng mga sibilisasyong Asyano, para sa pagsasakatuparan ng komong progreso. Mahalaga ito para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya at pagbubukas ng bagong kinabukasan ng kontinenteng ito.
Ang pulong ay idaraos sa magkakasamang pagtataguyod ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Ministring Panlabas, Ministri ng Kultura at Turismo, at pamahalaang munisipal ng Beijing. Sa kasalukuyan, ginagawa ang paghahanda para sa pulong. Aanyayahan ang mga estadista ng mga bansa ng Asya at iba pang lugar, at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig, para lumahok sa aktibidad na ito.
Salin: Liu Kai