|
||||||||
|
||
"Sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Tsina at Pransya ay espesyal na magkaibigan. Madalas na binibigyan-diin ng mga Tsinong ang Pransya ay unang kanluraning bansang nagkaroon ng relasyong diplomatiko sa lebel ng embahador, sa Republikang Bayan ng Tsina. Bukod dito, maraming iba pang "una" sa pagitan ng pagpapalitan ng Tsina't Pransya; halimbawa, ang Pransya ang unang bansang kanluraning nagkaroon ng direktang flight patungong Tsina; ito ang "unang" bansang kanluranin na nagdaos ng "Taon ng Kulturang Tsino" at nagtayo ng Sentro ng Kulturang Tsino, at ito rin ang "unang" naglagay ng kursong Wikang Tsino sa pamantasan.
May tradisyon ng indipindiyenteng diplomasiya ang Pransya. Bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, ang Pransya ay nanatiling nagsasarili mula sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at tumutol sa digmaan sa Iraq. Ang Pransya ay gumaganap ng namumunong papel, kasama ng Tsina, sa isyu ng pagbabago ng klima. Ang indipindiyenteng patakarang pandiplomatiko ng Pransya ay pinapurihan ng komunidad ng daigdig. At dahil dito, espesyal ang relasyon ng Pransya't Tsina, at nagtatamo ng mainam na kaunlaran.
Bukod dito, ang pag-unlad at pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa ay bunga ng bukas na kooperasyon. Sapul nang simulan ang patakaran ng reporma at pagbubukas ng Tsina noong 1978, ipinatalastas ni Deng Xiaoping, lider ng Tsina sa panahong iyan, na ginamit ng bansa ang teknolohiya ng Pransya para sa pagtatatag ng Nuclear Power Plant. Ayon sa mga tagapag-analisa, ang kooperasyon sa larangan ng paggamit ng enerhiyang nuklear ay nagpakita ng pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa.
Sa kabila ng pagbabago ng kalagayang pandaigdig, dapat sundin ang nasabing mga mabisang tuntunin. Sa pamamagitan nito humigpit at umunlad ang mainam na "espesiyal na relasyon" ng Tsina at Pransya.
Ang pagpapanatili ng pagbubukas ay tiyak na magdudulot ng win-win na resulta, at ito ay isa sa mga pinakamalaking karanasang natamo ng Tsina nitong 40 taong nakalipas. Sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig na lipos ng mga hamon at pagkakataon, pati ng elemento ng kawalang-katatagan; inaasahang patuloy na magpapakita ng pagsasarili, lakas ng loob at talino sa daigdig, ang Pransya.
Salin:Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |