Ayon sa pahayag nitong Huwebes, Marso 28 ng Global Energy Interconnection Development and Cooperation Organization (GEIDCO), nitong tatlong taong nakalipas sapul nang mabuo ang organisasyon, mabunga ang kaunlaran at kooperasyon ng mga kasapi sa pagpapasulong ng malinis at berdeng paggawa at paggamit ng kuryente at iba pang enerhiya.
Sa kasalukuyan, aabot sa 602 ang kasapi ng GEIDCO mula sa 85 bansa't rehiyon. Kabilang sa mga kasapi ay mga bahay-kalakal, samahan, think tank, paaralan at indibiduwal.
Salin: Jade
Pulido: Mac