|
||||||||
|
||
Kahapon, sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hongkong (HKSAR), lumagda ang mga accounting firms ng Beijing at HK sa Kasunduan ng Kooperasyon na naglalayong pasulungin ang pagpapalitan ng industriya at ipagkaloob ang benebisyo sa mga accounting firms sa dalawang lugar para magkasamang makapagbigay ng serbisyo kaugnay konstruksyong Belt and Road Initiative o BRI.
Ang paglagda ng mga kasunduan ay mahalagang hakbangin na sumasagisag ng lalo pang pagpapalakas ng kooperasyon ng mga accounting firms ng Beijing at HK. Ito rin ay palatandaan na magkakasamang pinasusulong ng mga accounting firms ng Beijing at HK ang konstruksyon ng BRI sa isang bagong yugto.
Sa seremoniya ng paglalagda, ipinahayag ni Li Yuguo, Puno ng Beijing Institute of Certifited Public Accountants na umaasa siyang magkakasamang magsisikap ang industriya ng certified public accountants para magkaloob ng serbisyo para sa patakaran ng pagbubukas sa labas ng bansa at konstruksyon ng BRI, at magkakasamang itatag ang bagong modelo ng business cooperation ng Beijing at HK.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |