|
||||||||
|
||
Sa Macao, Mula Ika-28 hanggang Ika-30 ng buwang ito, idinadaos ang Macao International Environmental Co-operation Forum & Exhibition 2019 (MIECF) na itinataguyod ng pamahalaan ng Macao Special Administratione Region (SAR). Ang tema ng MIECF ay "Pagtatag ng Sibilisasyong Ekolohikay, Pagpapasulong ng Berdeng Pag-unlad," na naglalayong itatag ang isang berdeng pandaigdig na plataporma ng pagpapalitan hinggil sa pananaliksik ng pakataran ng pangangalaga sa kapaligiran, pagpapalitan ng teknolohiya ng industriya ng pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Chan Hoi Fan, Punong Ehekutibong Tagapagpatagad ng Macao ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdaraos ng MIECF, lubos na gaganap ng masusing papel ang Macao SAR, para pasulungin ang pagpapalitan ng buong daigdig sa tema ng pangangalaga sa kapaligiran at pagpapasulong ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.
Ipinahayag ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina na aktibong pinapasulong ng bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa Macao SAR sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Sa hinaharap, lalo pang palalakasin ang koopersayong pansiyensiya at pangteknolohiya sa Macao SAR sa larangan ng pangangalagaan sa kapaligiran.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |