|
||||||||
|
||
Ipininid nitong Biyernes dito sa Beijing ang ika-8 round ng talastasahang pangkalakalan ng Tsina't Amerika. Sa dalawang araw na konsultasyon, tinalakay ng magkabilang panig ang hinggil sa teksto ng mararating na kasunduan, at natamo ang bagong progreso.
Magkakasamang pinanguluhan ang katatapos na talastasan nina Liu He, Pangalawang Premyer at punong negosyador ng Tsina; Robert Lighthizer, Kinatawang Pangkalakalan at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.
Sa susunod na linggo, pupunta si Liu He sa Washington D.C. para lumahok sa ika-9 na talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika.
Pagkaraan ng apat na buwang pagsisikap ng magkabilang panig, masasabing pumapasok na ngayon sa pinakamasusi at pinakamahirap na yugto ang talastasan.
Ang mga pagsubok ng talastasan ay dulot ng pagkakaiba ng dalawang bansa sa sistema, kultura, pambansang kalagayan at yugto ng pag-unlad. Ang mga natamong yugtu-yugtong progreso ay bunga ng walang humpay na pagsisikap ng kapuwa panig para sa paghahanap ng komong palagay. Sa pinakakritikal at pinakamahirap na yugto ng talastasan, dapat ding patuloy na palawakin ng Tsina't Amerika ang pagkakasundo para pinal na malutas ang ikinababahala ng isa't isa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |