|
||||||||
|
||
Kahapon ng hapon, sa Boao ng Hainan, Tsina, lumagda ang Boao Forum for Asya (BFA) at United Nations (UN) ng Memorandum of Understanding para magkasamangpasulungin ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan sa Asya at buong daigdig.
Sinabi ni Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA na magkapareho ang ideya at tungkulin ng pag-unlad ng BFA at UN 2030 Agenda for Sustainable Development na ipinasusulong ng UN. Umaasa siyang sa pamamagitan ng kooperasyon, maaaring isakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ng Asya at buong daigdig.
Ang Boao Forum for Asia ay isang di-pampamahalaan at non-profit na pandaigdigang organisasyon. Sapul nang itatag ang BFA noong 2001, nagsisikap ito para pasulungin ang penrehiyong kooperasyong pangkabuhayan ng Asya at ipinagkaloob ang tulong at suporta para sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |