Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pulong ng UN hinggil sa pagbabago ng klima, ipinangako ng Tsina ang pagtuly na pagsisikap

(GMT+08:00) 2019-03-30 16:35:49       CRI

Mula ika-28 ng Marso hanggang ika-29, local time, idinaos ng UN ang High-Level Meeting on Climate and Sustainable Development for All. Lumahok sa naturang pulong ang lahat ng miyembro ng pangkalahatang asemblea ng UN, at nagbigay ng keynote speeches ang mga kinatawan mula sa mahigit 100 bansa. Binigyan-diin sa pulong na sa kasalukuyan at sa hinaharap, ang klima ay may napakalapit na relasyon sa maraming larangan ng pamumuhay ng sangkatauhan na kinabibilangan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pangangalaga sa ekolohikal na kapaligiran at iba pa. Nanawagan ang mga kinatawan na dapat mapanatili ang pagmamatyag sa pagbabago ng klima at gawin ang mabisang aksyon hinggil dito.

Sa kanyang talumpati na ipinalabas sa seremoniya ng pagbubukas, ipinahayag ni Antonio Guterres, Panglakahatang Kalihim ng UN, na ang pagbabago ng klima ay naging isa sa mga pinakagrabeng isyu na kinakaharap ng panahong ito. Dapat aktibong isagawa ng komunidad ng daigdig ang mga hakbang para mabisang harapin ang banta na dulotng pagbabago ng klima,dagdag pa niya.

Lumahok din sa naturang pulong si Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN. Ipinahayag niya na ang pagbabago ng klima ay napakahalagang hamon na kaugnay ng kinabukasan at kapalaran ng buong sangkatauhan, at kailangang magkakasamang harapin ito ng buong komunidad ng daigdig. Buong tatag ang paniniwala ng Tsina sa harap ng pagbabago ng klima. Sa kanyang talumpati, isinalaysay ni Ma Zhaoxu ang serye ng mabisang hakbangin ng Tsina hinggil dito na tulad ng pagpapasulong ng berdeng pag-unlad sa low carbon at konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal at iba pa.

Sa panahon ng pagdaraos ng pulong, ayon sa ulat na ipinalabas ng World Meteorological Organization (WMO) na noong taong 2018, ang karaniwang temperatura ng buong mundo ay tumaas ng halos 1 degree Celsius. Nauna rito, tinukoy rin ang isa pang ulat na ipinalabas ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) na kung mananatili ang kasalukuyang kabilisan ng pagiging mainit ng klima, kakaharapin ng daigdig ang walang katulad na hamon mula sa kapaligiran.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>