Upang maisakatuparan ang komong palagay na narating sa pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika sa Argentina, at patuloy na lumikha ng mainam na kapaligiran para sa pagsasangguniang pangkabuhayan at pangkalakalan, ipinasiya ng Customs Tariff Commission ng State Council ng Tsina na muling ihinto ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga sasakyan at bahagi ng sasakyang mula sa Amerika mula unang araw ng Abril ng 2019. Hindi pa ipinapatalastas ang mga detalye ng paghinto ng nasabing hakbangin.
Matatandaang noong Disyembre 14, 2018, unang ipinalabas ng nasabing komisyon ang pahayag hinggil sa pagpapataw ng taripa sa mga naturang produkto. Ito'y ipinatupad sa loob ng tatlong buwan, mula noong unang araw ng taong ito.
salin:Lele