Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 18 ng Kremlin na nakatakdang dumalaw sa Rusya si Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK) sa huling dako ng buwang ito, at magtatagpo sila ni Pangulong Vladimir Putin.
Hindi isinapubliko ng panig Ruso ang mga detalye hinggil sa gaganaping pagdalaw ni Kim.
Noong Mayo, 2018, sa kanyang pagdalaw sa Hilagang Korea, ipinaabot ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya kay Kim ang liham ni Putin para imbitahan si Kim na dumalaw sa bansa.
Kung matutuloy ang biyahe, ito ay magiging kauna-unahang opisyal na pagtatagpo nina Putin at Kim.
Salin: Jade
Pulido: Mac