Ayon sa pahayag na inilabas nitong Sabado, Abril 20, 2019 ng Transisyonal na Komisyong Militar ng Sudan, ipinahayag nang araw ring iyon ni Moussa Faki, Tagapangulo ng Unyong Aprikano (AU), na ang Sudan ay isang mahalagang bansang Aprikano, at napakahalaga ng pagpapaliit ng alitan at pagpapalakas ng komong palagay sa bansang ito. Aniya, sa ngayo'y kailangang magkaroon ng pagkakasundo ang iba't-ibang paksyon ng Sudan tungkol sa panahong transisyonal.
Anang pahayag, ang papel ng Transisyonal na Komisyong Militar ng Sudan ay paglikha ng kapaligiran para magkaroon ng kapangyarihan ang puwersang pulitikal sa mapayapang paraan.
Salin: Li Feng